Saturday, December 11, 2010

naligo ka ba ngayon?

Naligo ka ba ngayon?
Yan ang katanungan ko kahapon nung ako'y nasa trabaho. Sobrang init sa tabaho ko ta mahirap ang trabaho. Palagi kang papawisan. Kaya ang tanong ko naligo ka ba ngayon? Sa pagdaan ko s aisang bahagi ng plantang aking pinagtatrabahuhan, nkaamoy ako ng di kanais-nais na amoy. Amoy anghit! Mahihimatay yata ako, di ako makahinga, masakit pa mandin ang ulo ko. Nakadagdag pa etong amoy na ito!
Tumalikod ako, ng-iba ng direksyon pero kelangan kong pumirmi dun sa lugar na yun. HIndi talaga ko makahinga! Ang baho!
Ang nakakainis pa, pinaghalo ng pabango at anghit. Sus, ano ba yan halatang di naligo!

Naaamoy kaya nya sarili nya? Naligo kaya sya? E kung hindi, pano nya natatanggap sa sarili nya na mabaho sya e araw-araw sya papawisan sa trabaho nya?

Ako pinapawis din ako pero wala kong anghit at hindi ako mabaho. At naliligo ako araw-araw kahit sobrang lamig dito...


Note:
will do English translation later...

Monday, November 29, 2010

lunes na ulit

wala na sa isip ko kung anong araw ngayon. lunes na pala.palibhasa ngtrabaho ako nga sabado at linggo. lumilipas ang mga araw, disyembre na ulit!
wala pa ring pinagbago kundi ang mga araw na lumilipas. ang ginagawa kada araw ay pareho pa rin. Bahay, trabaho, uuwi, bahay ulit. paulit-ulit. sabi nga nga mister ko, kelan kay tayo mananalo sa lottery?

Listen to ansels fave


Get a playlist! Standalone player Get Ringtones

yey, my playlist eto na!

my favourites!


happy listening!